Mga bakla, may vet akong ikwento sa inyo, or kung meron mang bumabasa neto.

Last week kase, ‘di ko na alam eksaktong date & time huh? Basta mga last week, nagtweet ako ng:

”@BillyCrawford seems so antipatiko. Just like his jowa @nikkigil. Bagay lang sila. Parehas echosera. Hahaha!”

Sabay alis ng bahay, rampa kung saan saan hanggang gabe! Tapos, pagka-uwi ko, nag-check ako ng Twitter ko and voila! Andaming replies sa’ken ng mga fans ni Nikki Gil at Billy Crawford AKA The Nillys! Which is btw, sobrang jejemon. :))

Pagkauwe ng balur, wala akong kamalay-malay at nag-bukas ng Twitter.

First reply was from Nikki Gil herself, saying:

@FierceeMikee friend, life is short. Life mo nalang isipin mo wag na yung sa amin. We’re doing fine naman. :)

Tapos, sumunud sunod na ang konting fans:

@nikkigil @FierceeMikee tomo! ;)

@FierceeMikee hoy!!bitter m pslmt k di bitter si @nikkigil di k2ld mo.kung antiptiko clng 2 d cl mmhlin ng fans @theNILLYs !!!BITTER

@nikkigil @FierceeMikee - naawa naman ako sayo kuya! Parang galit sayo ang mundo lumalabas kasi sa pagka bitter mo :p

But here’s the point, I am NOT proud with all of these. Pero kase…

Para dun sa mga PUSHANG-INANG mga utaw dyan sa tabe-tabe na sobrang boba at sobrang kitid ng utak na sinasabeng ANG DAMI-DAMI ko daw kaaway sa Twitter and hindi daw tama ‘yung mga tini-Tweet ko… PAKYU po kayo.

Unang-una, ‘di ko nilalait ‘yung mga artistang nakikita ko sa TV, tini-Tweet ko lang ‘yung totoo at ‘yung napapansin ko. Pangalawa, kaya ako gumawa ng Twitter account eh para ilabas ‘yung mga nasa isip ko at mga napupuna ko sa paligid o kung saan man. Ikatlo, mas madami pang mas malalang panlalaet ang sinasabe ng iba sa mga artista (or ‘di man artista).

Kaya IKAW, BOBO AT TANGA ka, ‘wag mong sabihen mali ‘yung ginagawa ko, dahil ‘di ka pa eksperto sa buhay para mampuna ng tama o mali.

Gosh! Tama na nga ang pag-gamit kay Bold. :P Nakakaurat lang kase! Sinasabe pa nung iba na ANG DAMI ko daw kaaway sa Twitter. (Ay paulet-ulet?) Teh! Sila lang nang-aaway sa’ken! I’m just using my Twitter, para Freedom of Expression ang peg! Kaya never akong nag-puna ng tweets ng mga fina-follow ko, kahit nonsense tweets nila, gora lang! Twitter account nila ‘yan eh!

May mga kaibigan akong nagsabe sa’ken ng mga ganyan, ng mga “dami mong kaaway sa Twitter ah!” blah blah, pero para ‘to sa mga HINDI ko friends.

Hay nako! Exit frame na nga ‘ko here. Nabubura lang ang aking eyeliner sa talukap!

PS:

You may have more friends than I do, but let me tell you this, at least my friends are not as fake as my false eyelashes.

Haha. Nakakaloka lang na habang shumoshonda na tayo, andami nating nalalaman at naiintindihan ng mabute kesa nung bagets pa tayo. Madame rin tayong mararanasan, mabute man o hinde, pero lahat ‘yun eh magfoform ng personality naten.

Hindi ko alam kung lahat tayo eh madaming pangarap, siguro lahat meron syempre, pero hindi lahat gumagawa ng paraan para maabot ‘yung mga ‘yon. Nakakaloka lang kasi may mga times na mag-iiba iba ‘yung pangarap mo depende sa nangyayare sa’yo.

May mga gusto tayong mangyare sa future na bine-base lang naten dahil masaya tayo sa moment na inisip naten ‘yun, pero ‘pag ‘di ka na good vibes, wala na, mag-iiba na ‘yung gusto mong mangyare sa future.

Iba ibang tao, andami daming tao sa mundo, pero konti lang makakaintindi sa’yo. ‘Yung iba maiintindihan ‘yung iba mong ugale, ‘yung iba naman maiintindihan halos lahat ng ugale mo, pero hindi ko lang sure kung meron talagang makakaintindi ng buong pagkatao mo, siguro nga ang sarile lang naten at si Papa Lord.

Nakakaloka talaga si Life, anlakas maka-college professor, andami daming tests, exams, activities, well may mga happenings din naman parang field trip pero minsan lang ‘yon, more on pag-aaral talaga. Na-realize ko tuloy na kahit pala maka-graduate ka sa school, hindi ka pa ren graduate sa buhay hangga’t ‘di ka nashoshotay.

Nakakalurqee. Sana lahat tayo may lakas ng katawang at isip para malagpasan lahat ng midterm and finals ni mareng Life ‘di ba? Chaka sana puro field trip and foundation day ang peg ni Life para masaya. Pero sabagay, sabe nga ‘di ba, tayo naman gumagawa ng sarili nateng kasiyahan, kumbaga, tayo gumagawa ng sarili nateng lakwacha or lamyerda sa buhay, parang sa school, hindi lang naman tayo umaasa sa mga activities divahhh, andami daming lamyerda, minsan nga everyday pa.

Ay nako! Wala lang ako magawa kasi Sabadong Sabado nasa bahay ako, walang pasok bukas kaya vet na vet kong magpuyat. Haha. So ito naging produkto.

Makanuod na nga lang ulit ng American Idol kung magustuhan ko.

You can send me some good vibes via Twitter or Facebook. :))

Pweh!! Jirita Jackson ang peg ko tonight kaya napagbuntungan ko ‘yung About Me ko sa Facebook, andami-dami ko nang ni-type kanina kaso parang ampanget na, ‘di na bagay.

Ganto lagi hobby ko ‘pag puputok na ugat ng ulo ko sa ines. Hahahaha! Mag-type ng kung anu-ano, mag-delete ng friend sa Facebook na makikita ko sa timeline na walang sense ang post or nag-faflood, ayon, nasampulan ang isang patay na bata chaka isang negrang intrimitida forever. Joaquin Borado na kayo sa aking Pezbook!

Ito na nga! Nagsasagot ako ng ‘About Me’, dito ko na lang itutuloy ‘yung tina-type ko.

About Me: Isang daoterang bex na madaming pangarap sa buhay… ‘di lang masyadong halata. Isa sa mga pangarap eh maging parte ng TFC subscribers sa Wowowee ngunit sa kasamaan palad eh, deaddie garcia na ang show.

Minsang naging isang batang kalye, balahurang estudyante nung Grade 1, naglaro ng langit at lupa, block/black (‘di ko alam kung ano! Haha!) 123, tagu-taguan, piko, Chinese garter, 10-20, jackstone (Ayan na nagdalaga na ‘koooo!) at madami pang ibang larong kalye!

Naalala ko tuloy bigla ‘yung naglalaro kami ng Tumbang Preso, ako taya, buro (tama ba? Or “burot”?) na ‘ko, ayon, binato ko ‘yung lata sa saheg sabay walk-out papunta sa bahay namen. Napatunayan kong bata pa lang ako, ‘di na ‘ko sports. (Basta alam niyo na meaning niyang ‘sports’ kung mali man ‘yung paggamit ko.)

Pero feeling ko naman there are really some points in our lives (Huwawww!!) na ayaw naten tanggapen na talo tayo, or kundi man talo, hindi tayo ‘yung number 1, syempre boba/bobo ka ba para mag-expect na lagi tayo #1?! Parang GMA at ABS-CBN, nakakalerqui, paglipat mo sa parehas na channel, parehas nila sasabihen na #1 sila. @_@

Ehhhh! Parang joke, biglang ending na blog entry ko, manunuod na kasi ako ng Gossip Girl! Hahaha! :))

So ayan! Sana kung sino man BV dyan, sige lang para masapak lahat ng epal. :)) At mga GV, pagpatuloy niyo lang, saya niyo ah, lilipas din ‘yan.

Lul.

Bat kaya may mga taaong tanga talaga, ‘di totoo ‘yung “walang taong bobo”, may mga taong tanga talaga pramis. ‘Yung talagang slow mag-isip, bobo magdecide sa mga bagay bagay, ‘yung go lang ng go kung ano dumating, ‘di man lang gamitin ‘yung utak ng kahit konte.

Bobo at tanga din ako alam ko ‘yun, pero ‘di naman lagi tulad ng ibang tao. Gawa lang ng gawa, ‘di iniisep ‘yung magiging epekto neto sa kanila or kaya sa ibang tao.

Che! Kawalan ng gana makisalamuha sa mga tanga. Masama na ang ugale kung masama. Syempre sa isep ng iba “grabe namang ‘tong baklang ‘to, kala mo kung sinong matalino”, “akala mo naman siya ‘di bobo” at marami pang iba. Wala po ako pake.

And utak ginamet para mag-isep. Kung ‘di naman gagamiten, papugot na lang.

PUTANGINA Part 2

“Look at the bright side, too.”

Isa sa mga pinaka-maikle pero naging highlight ng araw ko.

Nakakaloka kase, nagstart na naman ang week ko ng late ako sa opisina (wow parang working girl kung makabangget), late ako kasi tinamad ako bumangon ng naaayon sa sinet ko sa alarm ko sa cellphone. Alam ko namang halos lahat tayo ganyan, magseset set ng alarm, pero makakailang pindot ng snooze, or minsan nga, off pa talaga tas magpapromise sa sarile naten na promise, after 5 minutes babangon at kikilos na ‘ko. Tas pag nakatulog ng mahaba-haba sa 5 minutes at umabot na ng 30 minutes, maiisep na ang promise #2: promise, bibilisan ko na lang ‘yung kilos ko para maging on-time pa rin ako. Hanggang sa ayannnn, 1 hour late ka na, wala ka nang magagawa, Prepare Like A Boss na lang ang peg mo, kikilos ng akala mo on-time.

Oh ‘di ba, napunta sa eksena ng mga tamad sa umaga ‘yung quote ko. Pero kasi, para talaga ‘yan sa mga drama anthology ko kagabe, BV eh, tas ngayon naalala ko na naman, although hindi all throughout this day eh BV ako, ngayon lang ulit. Kaya ayan, naalala ko ‘yang lines na ‘yan na nasa taas kaya ginawa ko na lang ‘yan, madame namang magagandang bagay sa mundong ‘to. Buti na lang naisip kong tumingin sa salamin at nakita ang isa sa magagandang tao na ginawa ng Diyos… Kayo talaga, tuloy-tuloy na lang ang pagbasa, please? ‘Wag nang umaapela sa isip habang nagbabasa, basa laaaang!

Ewan ko kung may sarili na naman akong mundo ah? Pero kasi ‘di ba, ganun talaga si mareng life, ‘yung ayan ansaya ng buhay, isang linggo wala kang iniisep, natapos mo na ‘yung isa mong problema, akala mo tuloy-tuloy na, tas biglang magkakaron at magkakaron talaga ng bagong eksena si pareng problema. Divahhhh? Hindi pwedeng tuloy tuloy na wala kang iisipen, meron at meron, gano man kaliit ‘yan. Ni-hindi mo pagtae ng ilang araw, poproblemahen mo, kahit ma-late lang ‘yung mens mo ng ilang araw feeling mo juntis ka na, mga ganun ba. Dapat meron talagang mini-problems. Hindi pwedeng wala.

Pero sabagay, boring nga naman kung walang froblems. Para kang naglaro ng Mario na walang kalaban, walang butas na nahuhulugan, walang kahit ano, walang dead. Eh ‘di walang kwenta ‘yung game.

***

Uy oo nga pala mga kabeckyhan. Ipagdasal naman po naten ‘yung mga namatay at mga ‘di pa nakikita dun sa lugar na nasalanta nung bagyo lately. Tinatamad ako i-Google ‘yung name nung bagyo chaka ‘yung probinsyang nasalanta. Kaya sana po, sa mga nakakabasa neto, mag-offer na lang po tayo ng kahit ilang segundo or minuto na pagdadasal para sa kanila. Hindi lang naman puro kalandian, kaartehan at kabaklaan ang alam ng blog ko. Haha. So ayan ah! Gora na sa pagpray kay papa God!

Ano pa ba. Ayon basta, nagugutom ako.

*bow*

Mega pa-cool ‘yung title ko noh? Wala lang, kasi magiging ganyan ako sa darating na kapaskuhan dahil sa mga bagay na, sabihen na lang naten na, hindi na-handle ng maayos. Ayoko manise, ayoko magturo, ayoko magpasa ng kasalanan dahil naniniwala akong naging biktima lang kame/ako ng malas na panahon.

Sa mga oras na ‘to, nagdadalawang isep ako kung magkekwento ba ‘ko dito. Pero sige na nga. ‘Di ko na lang masyado idedetalye kasi nakakabagot i-type ‘yon.

Mga becks, ganto kase, meron akong classmate na nagbebenta ng isang gamit na medyo may kamahalan, eh ako atribida, laging gusto makiepal sa mga bagay bagay, tumulong naman si watashi, humanap ako buyer, naalok ko ‘yung schoolmate ko before, eh ‘di ‘yan happy kami lahat.

Eh dumating ‘yung hindi masyadong magandang pagkakataon na umatras ‘yung schoolmate ko right after ma-order na nung classmate ko ‘yung medyo mahal na bagay. Eh ‘di ang ending eh ako ang taya, ako ang talo, ako ang naipit, ako ang mahirap na lalong naging mahirap.

Gaya nga ng sinabe ko sa taas, ayoko manise, ayoko manturo ng sa tingin ko eh may kasalanan. I learned my lesson.

Bumoka lang ako ng bumoka dito bilang ilang araw nang ‘di natatahimek ‘tong utak ko kakaisep. Haha. Pasensya na sa mga naabala ko, sa mga taong nabangget ko dito, yaan niyo na, 37 lang naman followers ko, tas isa lang dyan ang paminsan-minsan bumabasa.

Kayang-kaya ko naman masangkot sa gulo, kaya kong mas paguluhen ‘tong sitwasyon na ‘to, pero ayoko. Masyado nang magulo ang mundo para madagdagan pa ng punyetang eksena na ‘to.

Nakakaloka lang talaga kasi magpapasko. Tuwang tuwa pa ‘ko kasi kahit papano, may pambile ako nung mga kung anu-anong kalandian para sa sarile ko at para sa iba, eh kaso, ang dukha niyong dakilang becky eh mas lalong naging dukha lalo na ngayon, perfect timing ‘di ba? :D

So ayon lang, sana matuto po tayong lahat na ‘wag magpadalos-dalos sa ating mga desisyon sa buhay, mag-isip muna tayo habang nag-shashower bilang dyan iniisip ang mga mabibigat na desisyon sa buhay ika nga ng 9gag.com. ;) Kase ‘pag ‘di tayo masyado gumagamet ng utak sa ating mga desisyon eh, may mga tao po tayong maiipet sa ‘di kaaya-ayang sitwasyon.

‘Wag tayong tatanga-tanga sa buhay tulad ko, ‘di ko sinisisi sarile ko pero aminado ‘ko na sa isang banda, naging tanga ‘ko, ewan ko na lang sa ibang banda… Well okay lang maging tanga paminsan-minsan, ‘di maiiwasan ‘yan, ‘wag lang gawing past time ah. Kasi sa pagiging bobo, tanga at mang-mang paminsan-minsan eh, natututo tayo na next time, ‘di na naten hahayaang mangyare ulit ‘yun sa’ten or minsan mangyayare pa rin sa’ten, pero napag-isipan nating maige.

So ayan, ‘di naman ako eksperto kung pa’no maka-survive sa buhay, pero siguro naman sa pagiging bakla ko eh I know enough.

Sana lang may good karma na mabalek sa’ken, sana mabalek sa’ken ‘yung nawala sa’ken. Actually ‘di pa nawawala, mawawala pa lang siguro in the next few days.

So siguro adik-adik na naman ang peg ko bukas sa opisina bilang anong oras na at walang tigil pa rin ang pagta-type ko dito. Sana maayos ang lahat, sana mapunta sa tamang lugar ang mga bagay-bagay para lahat masaya sa paparating na pasko at bagong taon.

Peace, people.

*feel free to react, peacefully or violently*

Oh? Dati ang chismis becky daw si Jollibee, ngayon bitchy na siya. ;)) Chos! Hindeeee. B, kasi, B ang nakasanayan naming tawagan ng babai na ‘to. Simple lang naman meaning ng B, BITCH: maharot, maano, maano, tsaka maano. Chos! :)) Baet ‘yan! Tahimek, ‘di-makabasag pinggan, mahaba mag-palda, laging naka-long sleeves, mahinhin tumawa, naka-scarf, parang naka-brace ‘pag nagsalita, laging may pamaypay ‘pag tumatawa, ‘pag nadikitan ng lalake, magsasabe ng “ano beeeee”. Pero ‘pag nakilala mo talaga… ;)) Tama na pambibiten ko kasi si Rayzen Ann Tesaluna eh ano talaga ‘yan… Hahaha. I love you, B! :-* Puro positive lang, birthday mo eh. ;)

Magboboka na lang ako ng mga ilang nakakalokang bagay na nangyare sa babaeng ‘to. Teka ano nga ba. Ito ito, una eh ‘yung nag-IT tour kame. Eh ‘di ‘yan, sa bus kame, pauwe, saya saya pa namen, sa likod pa kame. Eh si gaga nasa pinakalikod, nasa gitna pa! Ayun, nung nag-break, ay “nag-brake” ‘yung bus, ayun, tumba si gaga dun sa sahig, buti na lang at andun ‘yung mga bag namen! Maglagay ba naman kasi ng contact lense habang umaandar ‘yung bus! Sa gitna pa nung upuan sa likuran?! Kalurks divah?

Tapos meron pang time, nag-swimming kami sa Valle Verde, eh ‘di ‘yan, swimming, plus konting alak syempre, eh for your information, itong kaibigan kong daga eh kasing liit ata ng shell ng sungka ‘yung bahay-alak neto kaya mabiles ma-vorlog, pero nag-practice na ‘yan. ;) Ayun! Na-witness namen and true-to-life Sadako, Filipina version. Gapang siya sa ilalem ng table oh, with her wet hair kase bagong swimming!

Ito naman kila Gheca, medyo konektado din sa storya ng mga kaalakan, ayon, nagsilbi lang namang baboy ang lola mo! Pinaliguan lang naman namen nila Pat and Gheca kasi sobrang patay na baboy na. Ambigay pala ni gaga! Kaliit liit na nilalang pero kasimbigat ng bochang baboy!

Ito ito paaaa. Ehhhhh. Sobrang baet niyan ni B! Parehas kasi kaming player niyan ng volleyball, mapagbigay ‘yan eh, nung kasagsagan pa ng Intrams namen, wala kasi akong high-socks, eh syempre gusto mo medyo japorms ‘pag naglalaro ‘di ba, so hiram ako sa kanya. Ayan, baet ‘yan talaga, (oh sige alam ko paulet-ulet) kinabukasan dala dala na niya! Oh ‘di ba, ang yabang pa niya, sabi ko kasi the day before “above the knee ‘yan ah?”, so ang yabang niya sabe niya “Oo B mataas talaga ‘yan, above the knee”. Ito na! Maloka loka ‘ko, pagkasuot ko nung high-socks niya, ayun! ‘Di man lang umabot sa tuhod ko! -_- “‘Yung totoo B?” Ganun ba talaga kaiksi ‘yang biyas mo at high-socks na sa’yo ‘yung mid-socks sa’ken? Jokeeeee! Hahaha. :)) :-* Alam ko naman ang motto mo eh, maliit man, nakakapuwing din. Ohhh tarayyyy!

Hay nako ano pa ba?! Basta madaming madami pang moments na nakakaloka talaga with her. ‘Yung mga simpleng Rizal moments namen, ‘yung para kaming literal na mga bubuyog kasi nagkekwentuhan kami ng sobrang hina na tunog-bubuyog na lang maririneg mo sa’men, sa likod na upuan, kasi alam nameng kahit tahimek ‘yang mga kaibigan nameng daga sa paliged namen, bukas na bukas ang mga tenga niyan na nakikineg sa’men! Kunware nagsusulat, hay nako! Nakikineg ‘yan! Kunware nakatingen kay Sir Ballano? Isa pa ‘yang nag-eeffort umintinde ng mga huni namen!

Pero syempre, ‘yung mga pinagkekwentuhan namen, bawal na dito. Sabe ko nga sa previous blog entry ko ‘di ba? WHOLESOME ‘tong blog ko. So ayan, wala kayo talagang clue na puro kalandian pinag-uusapan namen, wala kayong idea, ‘di ako magsasabe ng kahit anong clue na tumitili na lang kami bigla dahil sa mga pinag-uusapan namen. Wala talaga. Wala kayong clue na mapapala sa’ken, sorry.

So ayan. Ito na lang gift ko sa’yo B ah? Charr! Anong petsa na ngayon ah, may pasok bukas pero ginagawa ko ‘to for you. Akala mo naman ang hirap neto ‘di ba?! :D

Oh sya-sya padilla. See you on Saturday na lang ah! Wishes ko for you, goodluck sa OJT, goodluck sa INYO. :D Goodluck sa lahat! Good health for you and to you family. Sana lagi good vibes, and forever B’s tayo! Original B’s! ;)

I love you, WWC loves you. :)

Interview during The 50th Monte Carlo TV Festival (Monaco - 8 Jun. 2010)
I’m about to kiss you my vampire Stefan. :*
Interview during The 50th Monte Carlo TV Festival (Monaco - 8 Jun. 2010)

I’m about to kiss you my vampire Stefan. :*

(Source: fascination21, via theripperofchicago)

Yes! I am so back mga Becky! Andito na naman ang isang walang magawang becky kundi magsayang ulit ng oras ninyo kakabasa, keme lang ‘yon since matagal-tagal din namang natengga ‘yang mga mata niyo. Ang ibig-sabihen lang naman netong pag-gawa ko ng vlog entry eh… wala lang talaga, inaantay ko lang matapos ‘yung download ko ng ANTM since china-chaga ko siyang antayen dahil guest dun ang super yummy na si Tyson Beckford, oh sa mga wala na namang masyadong knowledge sa mga supermodels, super model siya, lalake nga lang, black American, alam naaaaa?!! Maitim at malaki and kaniyang… paa! At masakit ipasok sa masikip na… sapatos!

Alam niyo namang parehas lang tayo ng iniisep, kunware na lang wholesome ‘tong blog ko.

Ayan tapos na ‘yung dina-download ko sa torrent (Haha. Ambilis) kaso veth ko pa ring mag-type ng mag-type.

Alam niyo ba mga becks, sa tagal nateng hindi nagkaututang dila, ga-graduate na ‘ko?! Akalaen niyong malapet na (sana) magkatotoo ‘yung grad pic na pinost ko dito months ago. Ansaya divah? So ngayon, OJT na ‘ko sa Summit Media na pag-aari ng may ari na si Super Sayan Gokungwei, ewan ko kung ganyan ang spelling. So ayun, ang buhay ko dun araw araw eh, puro magazines ang nakapaliged sa’ken. Kahit anong magazine pwede mong basahen, kahit anong issue pa.

Naloka nga ako dahil ginagawa naming e-pub (parang e-book) ‘yung ibang magazines, natapat sa’ken ‘yung FHM, ayon, maduwal duwal ako habang ginagawa ko ‘yun. King-ina, ngayon ko lang nakita loob ng FHM, may labas ‘yung utong pakwan na pagkaitim itim naman na akala mo 2010 issue ng Yummy Magazine sa Fruit Edition dahil akala mo pasas. Kaloorks!

Tas nung Special Edition naman ni Dingdong Dantes ‘yung ginagawa ko, akala ng mga empleyedo dun, pinagnanasahan ko lang ‘yung mga hubong pictures ni Dingdong. Syempre given na ‘yun! Konting pantasya habang inaayos sa computer ‘yung pictures, pero syempre, trabaho pa ren ng konte. :))

Ayun, sana matapos ko na 500 hours ko nang matapos na ‘tong kalokohan na pag-aaral na ‘to. Chos!

Hay nako manonood na talaga ko. I feel good kasi nakagawa na naman ako ng isang chaka khan na blog entry. Nakakapagoda tragedy na rin magtype ng magtype kaya tatapusin ko na ‘to.

I, thhhhhank you.

*see? Nonsense? What you see is just what you see*

TO DIE FOR. xx Chace Crawford

TO DIE FOR. xx Chace Crawford

Archive | Subscribe | Ask me anything | Submit 1/45 Older Theme: Clean Detail by PinchHost based on Back & Forth